Gigs na di na tuloy blues

Nacancel ang gig last wed dahil sa isang malawakang brownout. Ang gig na supposed to be tampukan ng Sensitivo, Muffin, BMC, Flytrap at Radiomachine ay imomove nalang sa another date which will be announced later. Ito sana ay isang rock concert para sa benefit ng mga wala, nawalan at mawawalan ng trabaho ayon sa title ng gig.

Dahil dito naalala ko na naman ang ilang mga blues pag me nacacancel na gigs. Sino itong banda na nagpunta na sa isang bar sa south at dahil malakas ang ulan, nabasa ang mga gamit sa bar kaya ikinancel na ang show sa gabing un. Yung babaeng singer ng banda na iyon ay nagpunta sa ibang event as solo at didiretso na dun sa bar after. Since na cancel ung gig, uuwi na sana si girl singer. Subalit, wala palang pamasahe pauwi ung banda nya na nandun sa bar nakatambay dahil sa nacancel na gig. Kaya kailangan pa itong pumunta sa bar para bigyan na pamasahe ung mga kabanda nya. hmmm.. sino kaya to…

Sino naman tong boy singer ng banda na namrumrublema dahil ung kabanda nya ay taga probinsya at kinailangan pang bumiyahe papunta sa bar ng mahigit 5 oras para tumugtug. Since hindi pa maideclare kung tuloy o canceled ung tugtug namrublema si boy singer kung paalisin nya dun sa probinsya ang mga kabanda nya. Baka late na maideclare na tuloy ang gig at late na makaalis sa probinsya at di na umabot sa bar on time ung mga kabanda nya.

3 Responses to “Gigs na di na tuloy blues”

  1. joey says:

    Ayos to a… sino kaya yan bandang yan. parang alam ko ….

  2. ayos panalo. hehehe .. mukhang alam ko yan a.

  3. jyel says:

    hmmm… Parang kilala ko yung boy singer na yun ah.

Leave a Reply

Login with Facebook: